News & Stories

Search

Mythbusters every Ka-Panda must know

Updated: Sep 14


Photo taken from Frontliners Riders Community on Facebook


Hindi maipagkakaila na marami ang nagkalat na news at information tungkol sa COVID-19. Ilan dito ay kumpirmado ng eksperto habang ang iba ay sabi-sabi o ‘di kaya ay fake news. Sa dami nito, hindi maiiwasan na malito o agad na maniwala. Pero Ka-Panda, ano nga ba ang facts ayon sa WHO (World Health Organization)? Let’s find out!


1. FACT: COVID-19 is caused by virus, not bacteria

Photo taken from netdoctor.co.uk


Bakit nga ba importante na malaman ito? Ang mga antibiotic na ating nakikita sa mga drugstore ay hindi tumatalab sa virus. Ang rason sa likod ng pag-inom ng antibiotics ng mga pasyente ay dahil nakakatulong ito sa bacterial infection na kadalasan ay komplikasyon dulot ng COVID-19. Stay informed, Ka-Panda!




2. FACT: Long use of face mask does not cause lack of oxygen

Photo taken from cnbc.com


Kahit na hindi komportable ang pangmatagalan na pagsuot ng face mask lalo na sa deliveries, ang maayos na pagsuot nito ay hindi nakakadulot ng kawalan ng oxygen sa katawan. Para siguruhin na ang tamang paraan ng pasuot ng face mask ang sinusunod, check your mask! Dapat ay tama lang ang higpit nito. Tip: huwag ulitin ang paggamit ng disposable mask.




3. FACT: Most people recover from the Virus

Photo taken from research.bayer.com


Madami man ang number of cases na ating nakikita ay alam niyo ba na sa kadalasan, nakaka-recover ang mga COVID-19 patients? Basta’t maaga itong na-aksyunan with supportive care and proper medical support! Kaya naman kung hindi maganda ang pakiramdam, please do your best to rest and immediately seek for medical care.




4. FACT: Drinking alcoholic drinks will not protect you from the virus

Photo taken from avogel.co.uk


Tama ang nabasa ninyo, Ka-Panda! Ayon sa WHO, hindi sagot ang pag-inom ng alcoholic drinks sa virus. In fact, maaari pang makadulot ito ng more bad than good lalo na sa katawan. Ang excessive consumption ng alcoholic drinks ay nakakataas ng risk of health problems.




5. FACT: Being under hot weather is not effective against COVID-19

Photo taken from thestatesman.com


Kabaliktaran ng normal nating naririnig, pwede pa ring ma-infect ng COVID-19 ang isang tao kahit na nasa mainit na lugar. Ang best way pa rin ay to always wash your hands after deliveries, iwasan ang paghawak sa eyes, nose at mouth, at i-disinfect ang surfaces na laging hinahawakan.



That’s it, Ka-Panda! Sana ay nakatulong ang limang mythbusters na ito nang lalo pang lumawak ang kaalaman natin about COVID-19 and how to protect ourselves and our loved ones. Todo bigay pa rin sa deliveries at protektado pa! Ride safe!


90 views

© Foodpanda 2020. All Rights Reserved