Search

Paano pa nga ba mas lumawak ang Ka-Panda Community sa Manila?

Sa pag-celebrate ng World Bicycle Day noong nakaraang linggo, hindi mapagkakailang swak na swak dito ang advocacy ng project pandaBIZikleta at ang new strategy ng foodpanda. Through this project, maraming Manila citizens ang nabigyan ng bicycles at nagkaroon din ng opportunity to be a Ka-Panda.





Last June 9, 2021, nagkaroon ng Ceremonial Signing of Memorandum of Agreement ang foodpanda at ang Manila City Government. To provide more jobs for Manilenyos, nagkaroon ng agreement sina Mayor Isko Moreno at ang foodpanda na magprovide ng bisikleta para makapasok as a foodpanda rider. “pandaBIZikleta provides livelihood opportunities by onboarding these beneficiaries as freelance delivery service providers,” kwento ni Leopoldo De Castro, Jr., ang Finance Director ng foodpanda.





The pandaBIZikleta partnership was able to cover 30 beneficiaries ng libreng bicycle at safety gears na donated sa Manila City Government ng international relief organization na Samaritan’s Purse. Kasama sa mga binigay ang free assets na uniforms, thermal box, thermal bag, at panda mask.


For the whole stretch of the pandemic, nagkaisa ang Manila City Government at ang foodpanda na magbigay ng job opportunities para sa mga displaced Manileno tricycle drivers which gave way sa TODA project na inilunsad noong May 2020. Maraming tricycle drivers ang nabigyang trabaho mula sa TODA project, which gave them the means para makakita for their families.





“Our bikers have become an important part of our mission of bringing food and essential goods to Filipino households. This year we implemented a strategy that promotes more use of bicycles. This move becomes even more meaningful for us because it brings a win-win-win result for our partners and beneficiaries, the company, and also the environment,” ang sabi ni Dan Marogy, ang Managing Director ng foodpanda.


Tunay na exciting ang pwedeng magbuklod mula sa project pandaBIZikleta dahil hindi lang ito sustainable sa environment, pero nagbibigay rin ito ng opportunity sa mga Pilipinong lubhang naapektuhan ng pandemya. Truly, bitbit ng foodpanda ang pag-asa sa bisikleta!


91 views0 comments