News & Stories

Search

Ang Kanta na Nagpa-indak sa mga CDO Ka-Panda!



Nakisaya ang mga Ka-Panda sa Cagayan De Oro noong sila ay naki-jam sa isa’t isa upang mapalipas ang quarantine period! Ang mga Ka-Pandas na ito ay nag-submit ng kanilang video na pinangalanang “CDO Foodpanda Riders Quarantine Jam” na isang homemade cover ng kantang Martyr Nyebere ng Kamikazee. Espesyal din ang cover na ito dahil ginawa ito ng mga Ka-Panda during the quarantine period, kaya’t todo ang sipag nila sa pag-rerecord ng kanta, pag-fifilm ng video, at pag-eedit ng materials habang ino-obserbahan ang strict guidelines ng social distancing. Hindi sila nabigo sa produkto ng kanilang paghihirap dahil isang nakaka-indak na cover ang kinalabasan nito! Panoorin sa baba at maki-jam sa kanta ng mga Ka-Panda na ito.



Martyr Nyebera- Kamikazee [Lyrics]


Kinukumpleto mo ang araw ko

Sa tuwing inaaway mo

Paggising sa umaga

Mukha mo ang nakita

Wala pang nagawa nakasimangot na

At pagsapit ng gabi tampo lalong lumalaki

Ang gusto ko lambingan

Ngunit may unan na namamagitan


Ang almusal ay sigawan

Ang Hapunan natin ay tampuhan

Ang Miryenda pagdududa


Pero mahal kita

Wala ng hahanapin pang iba

Handa akong magtiis

Kahit na away, away, away na to


Nahuli lang ng ilang minuto

Di na kinibo

Natrapik lang sa kanto

Di naman gwapo

Naisip mo agad nang-chicks ako

Simple lang naman ang pinagmulan

Pinahaba ang usapan

Di naman kailangan

Mahabang away na naman


Ang almusal ay sigawan

Ang Hapunan natin ay tampuhan

Ang Miryenda pagdududa


Pero mahal kita

Wala ng hahanapin pang iba

Handa akong magtiis

Kahit na away, away, away na to


Kahit na sabihin na naliligo ka sa sampal

Di mo masasabi na hindi kita minamahal

Ang dami mong babae

Wala ka pang trabaho

Ngunit kahit ganun ay nandito lang ako

Nandito lang ako


Ang almusal ay sigawan

Ang Hapunan natin ay tampuhan

Ang Miryenda pagdududa


Pero mahal kita

Wala ng hahanapin pang iba

Handa akong magtiis

Kahit na away, away, away na to

Away, away, away na 'to

Away, away, away na 'to

Away, away, away na 'to



Hangang-hanga kami sa sikap at talentong ipinakita ng mga Ka-Pandang ito! Full support ang foodpanda riders community sa anumang endeavor niyo sa hinaharap!

149 views

© Foodpanda 2020. All Rights Reserved