News & Stories

Search

Paano umarangkada ang ating Delivery Heroines?



Sa dami-dami ng mga foodpanda riders sa Pilipinas, nakakasurpresa parin makakita ng mga babaeng Ka-Panda na umaarangkada sa daan. Nakakamangha tignan kung paano itaguyod ng mga female riders ang kanilang legacy sa isang trabahong di karaniwan ang mga babae. Basahin ang storya na ibinahagi nila Ka-Panda Leila at Jemilyn upang mainspire sa kanilang experiences sa pagtatrabaho sa isang trabaho kung saan mas nakararami ang mga lalaki!


Ka-Panda Leila on duty


Simula sa foodpanda


Si Ka-Panda Leila ay mag-iisang taon na dito sa foodpanda. Siya ay isang single mom na dating tricycle driver na umasa na makakita ng malaki bilang isang delivery heroine. Si Ka-Panda Jemilyn naman ay isa ding nanay na gustong maka pagbigay ng mas mabuting kinabukasan para sa kanyang dalawang anak dahil naisip niya na hindi na sapat ang kanyang dating trabaho dail sa pandemyang lumalaganap. Siya ay mag-tatatlong buwan na bilang isang foodpanda rider.



Dahil sa foodpanda...


Ulat ni Ka-Panda Leila na siya’y nakaraos dahil sa tulong ng foodpanda. Nabibigay niya na ngayon ang pangangailangan ng kanyang pamilya na walang tulong sa iba. Parehas din ang saloobin ni Ka-Panda Jemilyn na ngayo’y di na nagaalala kung saan kukuha ng gatas at pagkain ng kanyang mga anak, lalo na at tayo’y nasa panahon ng pandemya.



Ka-Panda Jemilyn in her uniform



Bilang isang female Ka-Panda…


Si Ka-Panda Leila lang ang laking tricycle sa kanyang area kaya’t hindi na siya bago sa ganitong trabaho. Itinuturi niya lang na challenge ang pagiging Ka-Panda para mapatunayan sa lahat na kayang kaya ng babae ang mga kinakaya din ng lalaki.


Si Ka-Panda Jemilyn naman ay tuwang-tuwa sa kanyang trabaho bilang isang foodpanda rider dahil sa pagkakaisa ng community. Ulat niya na madaming customer at kapwa rider ang humahanga sa kanya dahil sa kanyang abilidad bilang babae na makipag-sabayan sa kanila sa pag mamaneho.



Mensahe para sa mga bababe

Dahil sa kanilang mga experiences bilang isang Ka-Panda, nais din ibahagi nila Ka-Panda Leila at Jemilyn ang kanilang mensahe para sa kapwa nilang female riders.


To all female riders. I SALUTE YOU ALL. Ipagpatuloy lang natin maging magandang halimbawa sa mga riders. Ride safe sa lahat! - Ka-Panda Jemilyn

Sa mga kapwa kong female rider, wag po kayo panghinaan ng loob. Laban lang tayo sa hamon ng buhay. Huwag matakot sumubok sa akala natin na hindi natin kayang gawin. Lahat ng bagay kailangan subukan, lahat ng hamon kailangan labanan! Ride safe po sa mga kapwa kong female riders. - Ka-Panda Leila

Salamat kela Ka-Panda Leila at Jemilyn sa pag-bahagi ng kanilang experiences bilang delivery heroines! Nawa’y mainspire tayong lahat na magpursige sa kabila ng paghihirap ng buhay!

82 views

© Foodpanda 2020. All Rights Reserved