Search

Panlaban sa COVID-19: Why Vaccines are Important

Another surge of cases, panibagong strains ng virus -- ilan lamang iyan sa paulit-ulit pa ring nararanasan sa patuloy na paglaganap ng COVID-19 pandemic sa bansa. Mula sa pagbalik ng ilang quarantine measures hanggang sa pagpapanatali ng napakaraming safety protocols at guidelines, tila ba parang umuulit lamang ang nakaraan na taon.


Pero ‘wag kayo mag-alala, Ka-Pandas dahil mas napaigting na ang bagong panangga laban sa virus.



Photo taken from WebMD

Ang vaccine o bakuna ay ang nagsisilbing pinakamalakas na immunization laban sa COVID-19. Although hindi ito ang lunas sa sakit, dumadagdag protection ito kasama ng pagsunod sa safety protocols.


Ang mga vaccine ay nakakatulong na makaiwas na makuha ang virus at pagkalat nito. Kapag ikaw ay nabakunahan, bumababa ang chance na maging malubha ang sintomas o epekto ng virus sa iyong katawan.


Ang vaccine na ito ang pinakamainam na protection laban sa virus. Dahil parami na naman ng parami ang cases sa bansa, ang pagpapabakuna ang solusyon para tulungang bumaba ito.


Bilang frontliners na laging exposed, napaka-essential nito para sa inyong health at safety.





Sa ngayon, ang mga local government units (LGUs) ang nagpapasimuno ng pagdistribute ng mga bakuna. Priority na bigyan ang mga frontliners katulad ninyo kaya naman mahalagang magpabakuna sa panahon na ito.


I-contact mo na ang iyong local government unit now, Ka-Panda! Always remember to be safe and protected while on the road.




18 views0 comments