News & Stories

Search

PLDT & SMART Joins Forces with foodpanda to Lead Riders into the Smarter Life!

Updated: Jun 24



Nag-sama sama ang PLDT Enterprise, SMART Communications, at foodpanda upang makapag-bigay ng connectivity solutions para makatulong sa daily operations ng rider community. Pinanggalingan ng pag-sasama na ito ang SMART Ka-Panda 500 Postpaid Plan na isang foodpanda exclusive promo kung saan makaka-enjoy ang mga riders ng unlimited calls and texts to all networks, unlimited calls to landline numbers, at 8GB free data allocation na pwedeng gamitin sa Roadrunner app, at sa kung ano pang apps o websites na gustong gamitin ng mga Ka-Panda. Ayon kay Jovy Hernandez, ang ePLDT President & CEO and SVP & Head of PLDT and Smart Enterprise Business Groups, ang program na ito ay nilikha upang mabawasan ang agwat sa pagitan ng mga riders at ng mga customers. Sabi niya’y,


“We know that foodpanda always wants to go the extra mile to make the experience of their customers more memorable. With this in mind, we’ve partnered with them to ensure that drivers be provided with the means to ensure service quality as part of the customer experience. Now, bringing good food into the everyday is made easier and more accessible.”

(Alam namin na palaging sumisikap ang foodpanda para maging memorable ang experience ng customers nila. Dahil dito ay nakipag-partner kami sa kanila para masigurado na ang mga riders ay nabibigyan ng paraan upang ma-ensure ang quality service para sa kanilang mga customers. Ngayon, ang pag-dadala ng masasarap na pag-kain ay naging mas madali at mas accessible!)

Inaasahan din na makakatulong ang program na ito sa iba’t ibang gawain ng mga foodpanda rider .


“Bilang Community Leader ng mga rider, I always seek what is best para sa mga riders namin. Pinapasukan namin ang mga partnerships na may kasamang antisipasyon na makaka-bigay halaga ang mga ito sa foodpanda riders community, kaya’t ang collaboration na ito kasama ang SMART at PLDT ay inaasahang makakapag-tulong sa riders na nag-dedeliver para sa kanilang kabuhayan,” sabi ni Jao Manahan, ang Community & Communications Manager ng foodpanda.

Sa partnership na ito, tinitiyak ng foodpanda na ipapatuloy nito ang pag-elevate ng benefits na ibinibigay nila sa kanilang mga riders.


“Mula ngayon, ang partnership na ito ay inaasahan na lumaki at umunlad into new opportunities. Marami pang projects at campaigns ang naka-abang para sa collaboration na ito upang makapag-bigay ng new and exciting benefits para sa riders namin. Dahil dito ay naniniwala kami na ang collaboration na ito ay simula palang ng ano pang pwede namin gawin kasama ng PLDT at SMART.” Manahan added.

Read more about this partnership


Yugatech: Foodpanda partners with Smart & PLDT to provide connectivity for riders

UpgradeMag: Foodpanda partners with PLDT Enterprise to provide connectivity solutions to riders

DugomPinoy: PLDT, Smart and Foodpanda Partner Up To Launch Smart Ka-Panda Postpaid Plan For Riders

Gadgets Magazine: foodpanda partners with PLDT-Smart to give riders exclusive mobile bundle

Click the City: Foodpanda, Smart & PLDT Join Forces For Riders’ Smarter Life

SunStar Pampanga: foodpanda, PLDT provide mobility to riders



687 views2 comments

© Foodpanda 2020. All Rights Reserved