News & Stories

Search

Pasok sa Budget Workout Ideas!


Photo taken from Riders Frontliners Spotted on Facebook


Contrary to popular belief, hindi lang para sa nagpapapayat o sa nagpapapalaki ng muscles ang pag-eexercise. Importante na gawin ito regularly para sa pangkalahatang kalusugan ng iyong katawan, lalo na at kayo ay mga Ka-Panda na nag-rerely sa iyong physical strength upang makamit ang inyong mga deliveries. Pero alam niyo ba na hindi kailangan ng mga mamahaling equipment at gym memberships para makagawa ng isang workout? Heto ang mga exercise ideas na pwedeng gawin ng bawat Ka-Panda para masigurado na healthy, strong, at flexible ang inyong mga katawan, minus the cost!



1. Dancing



Mahilig ka bang sumayaw? Patugtugin mo na ang paborito mong kanta at sumayaw na parang walang nakakakita dahil ito ay isa sa mga epektibong exercises na pwede mo ma-enjoy! Ang pag sayaw ay nakakaburn ng at least 200 calories in less than 30 minutes kaya’t kahit ballroom, tango, o hip hop man yan, siguradong mapapawisan ka sa alindog ng inyong katawan. Naka-exercise ka na, nakisaya ka pa!



2. Internet Workouts

Photo taken from Evening Standard


No gym membership, no problem! Madaming free workouts na available sa youtube na kailangan mo lang gayahin. I-search mo lang ang gusto mong workout katulad ng Zumba, Yoga, Pilates, Muay Thai, at madami pang iba! With this, nakuha mo na ang gym workout mo in the comfort of your own home. Parang may sarili ka ding personal trainer!



3. Walking

Photo taken from Ten Thousand Dancing Stars


Alam niyo ba na isa sa pinaka epektibong exercise ay ang paglalakad Take every opportunity to walk dahil ito ay ang nakakaburn ng at least 100 calories kada 30 minutes ng derechong pag-lalakad! Sulit ang mga Ka-Panda walkers natin dahil sila’y nakaka exercise habang sila’y nagtratrabaho! Siguraduhin lang to take breaks every few stops at to keep hydrated para hindi masyadong mahilo sa daan.



4. Cleaning

Photo taken from Better Housekeeper


It’s time for general cleaning! Siguradong matutuwa ang nanay o misis mo sa exercise na ito dahil makaka-exercise ka na din habang ikaw ay naglilinis! Ang paglilinis ay isang nakakapagod na activity na nakakaburn ng at least 150 calories kada isang oras dahil sa labis na galaw na kailangan gawin upang makapaglinis ng maiigi. Kaya’t grab your cleaning supplies at tumulong na sa gawaing bahay!



5. Light Stretches

Photo taken from Philippine Trails


Pagkatapos ng pagpapawis sa pag exercise, importante din na ipa-relax ang iyong muscles na siguradong pagod sa mga activities throughout the day. Isagawa ang light stretches sa bawat parte ng katawan upang maiwasan ang sakit sa katawan sa susunod na araw. Rejuvenation is key para sa epektibong exercise, kaya’t remember to take care of your muscles once in a while!



Nagtatapos na ang nutrition month ngayong linggo, pero hindi ito dapat maging rason para huminto sa mga healthy practices na makakatulong sa inyong mga healthy lifestyle! Transition to healthy living na, mga Ka-Panda, para masigurado ang iyong kalusugan habang ika’y namamasada!


117 views

© Foodpanda 2020. All Rights Reserved