Search

Prank or real? Anong nangyari sa “Good Samaritan” Ka-Panda sa viral video na ito

Ka-Pandas are more than delivery riders; they are lifesavers. Patuloy na ipinamalas ng mga Ka-Pandas ang kabutihan on the road. Isa na rito si Ka-Panda Regie na nabiyayaan ng isang gift dahil sa kanyang generosity from an up-and-coming Youtube vlogger na si Adam Alejo na may 130,000 subscribers as of posting.



Sa video na ipinost ni Adam na umani ng 540,000 views sa Youtube, nagsagawa ng prank video si Adam upang mag-pretend na magbenta ng mansanas para may pamasahe siyang pang-uwi dahil nawala ang kanyang wallet. Iniulat niya na bago isagawa ang prank, bibigyan niya ng Apple Iphone ang taong bibili ng mansanas na binebenta niya.


Sa kanyang matagal na pagmamasid ng “good samaritan”, may isang Ka-Panda rider ang willing to give 100 pesos kay Adam. Subalit umalis si Ka-Panda nang hindi man lang matanong ng Youtube vlogger ang pangalan niya. After a few hours of searching for his name, nalaman nila ang tunay na pangalan ni Ka-Panda, at ito ay si Ka-Panda Regie.


Hindi maka-bilib si Ka-Panda Regie nung nabigyan siya ng bagong Apple Iphone ni Adam nang dahil sa kanyang kabutihan na ipinakita. Biglang tuwa at pasasalamat naman ang binigay ni Ka-Panda Regie kay Adam nang nabigyan siya ng bagong smartphone. Aniya, “Magagamit ko itong Iphone para sa akin and anak ko! Maraming salamat!”



Hindi mabilang ang mga instances of acts of generosity ang mga Ka-Pandas. Despite the struggles they face on the road, mabubuti pa rin ang mga budhi ng mga Ka-Pandas.


167 views0 comments

Recent Posts

See All