News & Stories

Search

Staying Stress Free the Ka-Panda Way!


Photo taken from Riders Frontliners Spotted on Facebook


Hindi madali ang trabaho ng isang foodpanda rider. Kung tutuusin, madami silang inaalala araw-araw; ang deliveries na dapat ihatid sa customers, ang sariling kaligtasan habang namamasada, ang mga safety protocols para sa contactless delivery, atbp. Dahil dito ay sobrang bilib ang mga tao sa mga Ka-Panda dahil sila’y nakaka-function sa gitna ng isang fast-paced environment. Sa sobrang daming responsibilities ng isang Ka-Panda, maraming bagay ang pwedeng makapagstress sa kanila. Paano nga ba ma-iwasan ang burnout na dulot nito? Alamin kung paano mag chill-out at i-manage ng iyong stress levels upang ma-increase ang inyong productivity!



1. Exercise


Photo taken from Healthline


Ang pag-eexercise ay isa sa mga pinaka-importanteng activity para ma-manage ang iyong stress levels. Ayon sa mga eksperto, ang physical stress ay nakakatulong makapag-relieve ng mental stress. Ito ay dahil tuwing ikaw ay nag-eexercise, bumababa ang stress hormones sa iyong katawan, at ito ay nag-rerelease ng endorphins na ang mga chemicals na nagpapa-improve ng mood. Nakakatulong din ang exercise sa pag-improve ng iyong sleep quality na nakakadagdag sa stress at anxiety kaya’t set aside time during the day para makapag-exercise upang ma-improve ang iyong overall mood at mental health!



2. Reduce Caffeine Intake


Photo taken from Global Sport Matters


Ang caffeine ay isang stimulant na common sa mga inumin katulad ng kape, tsaa, chokolate, at energy drinks. Ang pag-coconsume ng maraming doses ng caffeine ay nakaka-trigger ng anxiety; isang factor na nagpapalala sa stress. Kung napapansin mo na ikaw ay madaling manerbiyos pagkatapos mong uminom ng mga nasabing inumin, subukang bawasan ang intake o kaya't maghanap ng alternative para maalis ang pagiging nerbiyoso at ma-improve ang mood at anxiety levels.



3. Journal


Photo taken from Inc.com


Subukan din ang pagsusulat ng iyong thoughts at worries tuwing ikaw ay naii-stress. Nakakatulong ito sa pag-oorganize ng iyong mga saloobin at sa pagiisang-tabi ng mga nakakaabalang damdamin. Pwede itong gawin sa kahit anong paraan: sa inyong notes application, sa isang dedicated notebook para sa journaling, o sa isang pirasong scratch paper, basta’t ito ay makakatulong sa paglabas ng iyong mabigat na saloobin.



4. Laugh


Photo taken from Fragmented Ink


Narinig mo na ba ang kasabihang “Laughter is the best medicine”? May katotohanan ang phrase na ito dahil tuwing ikaw ay tumatawa, nawawalan ng tension ang iyong mga muscles at ito din ay nakaka-improve ng iyong stress response. Nakakatulong din ito sa long-term improvement ng immune system at mood kaya't subukan mong manood ng iyong favorite comedy show o makipagtawanan at kwentuhan sa inyong pamilya para siguradong tanggal ang stress!



Saksi kami sa inyong pag-sisikap, mga Ka-Panda, pero importante din ang work-life balance upang maalagaan ang inyong sarili! Isapuso ang mga tips na ito para ma-improve ang inyong mga stress levels at overall mental health!

266 views

© Foodpanda 2020. All Rights Reserved