News & Stories

Search

Super Ka-Pandas strike again!


Photo taken from Serge Adajar in Marvel Future Fight Philippines



Tuloy ang pagde-deliver ng good vibes ng ating Ka-Panda na mas kilala sa nickname na “Spiderpanda” sa isang post na ulat ni Serge Adajar. Kita sa post na hindi lamang costume ang special kay Spiderpanda, ang moves niya rin!


Nagpakitang gilas si Spiderpanda sa kaniyang mga talon at poses! Para hindi na raw lumabas ang customer ay to the rescue ang ating hero na hinatid pa ang order sa customer mismo! Dahil dito, tinawag na “your friendly delivery boy” si Spiderpanda.


Kitang-kita na hindi limitado sa costume ang galawan ng ating friendly delivery boy. Mayroon ding poses kung saan siya ay nakabitin, naka-Spiderman pose at iba pa! Tignan dito ang iba pa sa kaniyang moves:



Photos taken from Serge Adajar in Marvel Future Fight Philippines


Ayaw lumabas ng omorder, inihatid ni spiderman hanggang loob ng bahay… 😅 your friendly delivery boy (spiderpanda)... 😬😁

Pinapakita ni Spiderpanda na kayang magpasaya ng mga Ka-Panda gamit ang iba’t ibang paraan with the same goal: ang mapangiti at ma-satisfy ang customers. Simpleng gimmick pero extra special ang dalang saya! ‘Yan ang totoong Ka-Panda!




103 views

© Foodpanda 2020. All Rights Reserved