Search

Talentadong Tiktokers? Ka-Pandas lang ‘yan!

Updated: May 27


Not just one, but a whole group of dancing riders!



From being featured on the official Tiktok page, to news channels gaya ng CNN Philippines, TV Patrol, radio shows like DZMM Teleradyo, J101.5, at pati na rin sa iba’t ibang TV shows with celebrities, the SPC Dancing Riders is taking the dancing tiktok world by storm!


Comprised of Ka-Pandas from San Pablo, Laguna na sila Ka-Panda Jomark, Phoker, JM, Angelito, Andro at Vincent, this group of dancing riders ay patuloy na nagpapahanga sa marami dala ng kanilang nakakaaliw na Tiktok dances at vlogs.


Ayon sa grupo, nagsimula lamang ang kanilang pagkahilig sa Tiktok noong isang beses na medyo kaunti lamang ang kanilang booking at nagpapalipas oras lamang sila. Nagpasya na magmeet-up sa isang hotspot hub at napagdesisyunan nila na gumawa ng dance video.


“Unang nagtrending po yung video namin sa may Jollibee plaza hanggang sa napansin at nagsunod-sunod na yung requests tapos pati na rin yung mga collabs,” kwento ng grupo.


Kaya naman nagtuloy-tuloy na ang support at opportunities na na-encounter ng grupo. Hindi lamang sila overwhelmed at masaya sa support na ibinibigay ng mga nagiging fans nila, but lubos na rin ang pasasalamat na nararamdaman daw ng grupo.


As they juggle being riders and rising Tiktok stars, mahalaga raw ang time management para sa grupo. Ayon sa kanila, kapag may schedule raw sila ng Tiktok features or recordings, they make sure raw na balanse ang kanilang mga gawain-- “Tiktoker sa umaga, then rider sa hapon”, ika nga nila. Hindi raw nila nakakalimutan ang kanilang duty as a rider kaya naman sinisigurado raw nila na may opportunity pa rin sila to do the job.





Dahil sa sunod-sunod na guestings at collabs, nadadagdagan daw ang kanilang income bukod sa pagiging rider. “Sobrang blessed po [ang pakiramdam], sana magdire-diretso”, shinare ng grupo. Dagdag pa nila, ang advice raw nila sa kapwa riders na nags-share rin ng kanilang talent, “Tuloy niyo lang ang ginagawa ninyo basta masaya kayo at walang tinatapakan na ibang tao.”


When asked kung proud to be a dancer-rider, nakangiti nilang sinabi na hindi raw nila kakalimutan ang kanilang pinanggalingan. “We are proud to represent foodpanda kaya nga ‘di rin namin iniiba ang aming uniform kapag gumagawa ng tiktok”. Ayon pa sa kanila, tila ba isang way ng paggive-back ang ginagawa nila sa mga taong tuloy ang support at pagpapahalaga sa mga riders na tulad nila.



Not just giving service through delivering food for the customers but pati na rin ang pagbibigay saya at entertainment para sa kanila. Iba talaga ang tatak Ka-Panda!


To get more of their content, check out their Facebook page: https://www.facebook.com/Spcdancingriders


291 views0 comments