News & Stories

Search

The Ka-Panda guide to boosting the immune system


Sa panahon ngayon na mayroon pa ring COVID-19 cases at iba pang rainy season diseases, hindi maiiwasan ang exposure sa mga sakit na ito. Importanteng tandaan ang number one na kakampi ng kahit sinong frontliner tulad niyo, Ka-Panda! ‘Yan ang inyong immune system. Kaya naman, here are 5 easy ways to strengthen your immune system:



1. Get the right amount of sleep.

Photo taken from A Healthier Michigan


Huwag balewalain ang tulog, mga Ka-Panda! Alam niyo ba na ang mas madaming oras ng tulog ay makakatulong patatagin ang resistensya o immune system? Sa ganitong paraan, mas kakayanin ng katawan na labanan ang mga sakit. Hindi ka lang well-rested, healthy ka pa! I-practice na ang pag-take ng 7-10 hours of sleep, Ka-Panda!



2. Eat plenty of fruits and vegetables.

Photo taken from Journal Times


Bukod sa pag-inom ng vitamin capsules, maaari ding makakuha ng vitamins mula sa pagkain ng prutas at gulay. Ayon sa eksperto, mataas ang mga ito sa Vitamin C na nagpapaiksi ng duration ng sakit, lalo na ng ubo’t sipon. Ang iba pang whole plant foods gaya ng nuts at seeds ay mayroon ding antioxidants na nagtatanggal ng toxins sa katawan at nagpapatibay ng immune system!



3. Exercise regularly.

Photo taken from Fit Without Pain


Pagbaba ng blood pressure, pagcontrol ng timbang, at pagprotekta mula sa sakit; ilan lamang ang mga ito sa mga dagdag alalahanin ng mga Ka-Panda. With regular exercise, maaari itong mapabuti for the long-term. Mapa-aerobics, cardio, o pagbubuhat man, tiyak na magreresulta ito to a fitter and better you!



4. Minimize stress.


Photo taken from Medical News Today


Iba-iba man ang kahulugan ng stress sa bawat tao, napatunayan na ang matagalang stress ay nagreresulta sa imbalance ng functions ng katawan. Pagsakit ng ulo, insomnia, at madalas na pagkakasakit ang ilang signs of stress. Ka-Panda, kayang i-manage ang stress levels with meditation, exercise, at iba pang relaxing routines!



5. Maintain proper hygiene.

Photo taken from Wausau Daily Herald


Hindi lamang para sa safety laban sa COVID-19 ang paghuhugas ng kamay, paggamit ng alcohol, pagshower pagkatapos ng deliveries at iba pa! Kailangan itong ipagpatuloy para sa personal safety and hygiene at para sa iba. Sa pagma-maintain ng good hygiene, maiiwasan ang pagdapo ng sakit!



Bilang frontliners at modern day heroes, mahalagang magcheck-in din sa sarili! Ugaliing kamustahin ang mental at physical state. Tandaan na sa deliveries, ang puhunan ay ang sarili. Gamitin ang limang ways na ito bilang reminder na i-prioritize ang health at immune system!



41 views

© Foodpanda 2020. All Rights Reserved