News & Stories

Search

This is how Ka-Pandas take care of their Mental Health.



It’s finally the weekend, mga Ka-Panda, at wala ng mas magandang oras pa para mag-relax at mag-wind down pagkatapos ng pagsisikap niyo noong nakaraang linggo. Importante ang pisikal na pahinga, pero huwag niyo din kalimutan na alagaan ang inyong mental health dahil critical din ito sa para sa ating pangkalahatang kalusugan. Heto ang mga self care tips para makatulong sa inyo, mga Ka-Panda, upang mukha ang inyong well deserved break!



1. Morning Ritual

Photo taken from The Food Codes


Simulan ang inyong araw on a positive note, mga Ka-Panda! Gumawa ng isang morning routine na nakasentro sa self care, motivation, at pasasalamat bago kayo umarangkada sa inyong gagawin for the rest of the day. Pumili ng isang araw kung saan kayo’y gigising ng maaga at gamitin ang extra time para maka-stretch, gawin ang inyong daily devotions, o mag muni-muni lamang bilang bwelo mo na for the rest of the day! Ang sadyang pag-lahad ng oras para sarili mo ay isang uri ng self care na din, mga Ka-Panda!



2. Spend time with Family and Friends


Humanap ng oras para maki-saya kasama ng inyong pamilya, mga Ka-Panda! Ayon sa mga eksperto, soulful therapy ang pag spend ng time kasama ng mga taong malapit sa inyong puso, at nakakawala din ng stress ang kulitan kasama ng inyong mga kaibigan kaya’t sulitin ang iyong time na kasama ang mga mahal niyo sa buhay



3. Journaling

Photo taken from Inc.com


May iniisip ka bang mabigat? O may problema ka bang inaabala na hindi mo mapagdesisyonan? Nakakatulong ang pag-sulat ng lahat ng iniisip mo para madaling maorganize ang inyong isipan. Ka-ag ginawa mo ito, makikita mo na mas madali mo na maorganize at maintindihan ang iyong problema, at kaya mo nang gumawa ng isang plan of action kung paano ito susugurin. Mas madaling mag-function with a clear mind!



4. Unplug & Unwind

Photo taken from Nature


Madami ang benefits na binibigay sa atin ng social media, ngunit ito’y nagiging toxic din paminsan-minsan. Kung sa tingin mo ay nakakaapekto na ito sa iyong mental health, iwasan mo na muna ang mga social media websites kung saan maingay ang mga netizens para maka-paghinga sa drama na dulot nito.



I-prioritize ang iyong kapakanan above all else, Ka-Panda! Importante ang inyong pang-kalahatang kalusugan, kaya’t alagaan ang bawat aspeto ng iyong buhay!

65 views

© Foodpanda 2020. All Rights Reserved