News & Stories

Search

Thousands of Riders ang Nabusog sa PandaNation!

Updated: Jun 24



More than a thousand riders ang napakain at nabusog dahil sa PandaNation! Simula noong April, isinagawa ang PandaNation upang maging nationwide initiative para maka-give back sa mga Ka-Panda para sa kanilang serbisyo at dedikasyon sa halip ng crisis na nararanasan ngayon. Ginawa ito sa pamamagitan ng pamimigay ng mga meal packs at medical supplies sa mga Ka-Panda heroes all over the Philippines. Ang sumusunod ay ang mga nangyari sa event na ito in some of our Panda Cities!



1. Pampanga City

Bilang pasasalamat sa serbisyo ng mga Pampangueno riders, nag-sama ang Shakey’s at Ranch 90’s Diner para mag-bigay ng pagkain para sa mga Ka-Panda! Tuwang-tuwa ang mga na-surpresa sa event na ito, at hindi nila mapigilan ang kanilang mga ngiti. Tignan ang mga ngiti na ito sa mga pictures is ibaba.




2. Butuan City


Hindi din magpapa-talo ang Butuan City dahil hanep ang supporta na ipinakita nila sa mga Ka-Panda! Dahil sa mga vendors na si Pack and Skim, Chick N Pick, MJay Food Corner, Tita’s Cafe, Crispy Crust, i.Bake Bread & Pastries, at Ozean Milk Tea ay naka-pamigay ang PandaNation ng 65 meal packs at 300 sandwiches sa mga Butan foodpanda riders! Laking gulat ng mga riders noong nakita nila ang handa na-naghihintay para sa kanila. Nangyari din sa event na ito ang awarding para sa PandaPop Tiktok challenge! Tignan ang mga pictures ng event sa ibaba.




3. Bacolod City

Love is in the air in Bacolod City! Dahil sa mga partner vendors na si Git Go Frozen Cheesecake, Mika Con Sasa, Artistique Cafe, Kusina ni Tahum, HungryMe, at Manatea, nakapagbigay ng 80 meal packs ang PandaNation para sa mga riders! Noong ininterview ang mga riders na na-surpresa ng event na ito, sabi nila’y na-touch sila sa appreciation na ipinakita ng vendors at ni-foodpanda. Tignan sa baba ang mga pictures na galing sa araw na ito.




4. IloIlo City


Punong-puno din ang ngiti ng mga riders sa Iloilo City! Sa isang PandaNation event noong May, akala ng mga riders ay pinatawag lang sila sa office para mag-fill out ng isang form. Pero dahil sa efforts ng mga vendors na si Yu Chin Dragon Pearl Milktea - Fishing Port, Side Up, Camp Burger, Sisig Express, Kai Royal Tea, Takuapa Thai Deli Shop, Diem Coffee, Insteagramaholic, Love and Kisses Pizzas, at Coffee Crib, 200 meals at drinks pala ang nag-hihintay para sa kanila! Sumali din sa fun sila Congresswoman Jam-Jam Baronda at Councilor Love Baronda nang sila’y namigay ng mga face masks at rubbing alcohol sa mga Ka-Panda! Tignan ang mga pictures ng surpresa na ito sa baba.




5. Cebu City


Nag-wagi din ang PandaNation sa Cebu City! Dahil sa efforts ng mga vendors na si Three Guys and a Grill, Arul Banana Leaf, Cauldron Catering, Itealicious, Damian's Milkyway, Grinder's Coffee, The Goodcup Coffee, at Charlse, napakain ang higit sa 500 na foodpanda riders, at ang mga street cleaners pa! Laking pasasalamat ang inaabot ng mga nabusog na Ka-Panda sa initiatibong ito. Tignan ang pictures ng happy day na ito sa baba.




6. Quezon City


At last but definitely not the least, Quezon City! Dahil sa tulong ng Bonchon, napangiti ang mga Manilenong Ka-Panda habang sila ay nasa gitna nag pag-dedeliver. Tignan ang kanilang mga ngiti sa mga pictures sa baba.




At hindi nagtatapos ang kindness dito! Dahil sa magagandang loob ng mga Ka-Panda, sila ay na-inspire na gumawa ng sarili nilang good deeds para sa community! Basahin ang isang example ng good deeds na ginawa nila dito.


Congratulations sa organizing team ng PandaNation! Patuluyin ang pag-spread ng love at compassion sa foodpanda riders community!



Read more about Panda Nation


Click the City: PandaNation Supports Rider Heroes with Food Packs from Partner Restos

Gadgets Magazine: PandaNation feeds the rider heroes

Where is Ed Uy: FOODPANDA: PANDANATION FEEDS THE RIDER HEROES!

Tekkie Pinas: PandaNation Feeds the Rider Heroes!

Geekschicksten: foodpanda launched PandaNation initiative for its Riders.

Swirling Over Coffee: PandaNation Feeds the Rider Heroes!

568 views

© Foodpanda 2020. All Rights Reserved