News & Stories

Search

Tipid Baon Recipes Para sa Ka-Pandas On-the-go!


Photo taken from Riders Frontliners Spotted


Trabaho ng isang foodpanda rider ang mag-hatid ng masasarap na pagkain sa kanyang mga customers. Pero sa kabila ng busy schedules ng mga riders, kailangan din ng mga Ka-Panda na makakakuha ng angkop na nutrisyon para sa gawain nila araw-araw. Deserve din ng mga Ka-Panda na makakain ng masasarap na potahe, kaya’t sa article na ito ay nakalahad ang best of both worlds! Ano nga ba ang pwedeng baunin ng mga Ka-Panda na masarap, masustansya, madaling kainin, at tipid sa budget? Basahin ang sumusunod para malaman!



1. Adobo Cheese Sandwich


Photo taken from Blog Dendenara


May leftover adobo ka ba galing sa hapunan kagabi? Ang recipe na ito ay ang mag-papasimot sa adobong naiwan sa ref!


Ingredients:

Leftover Adobo

Butter

Sliced Bread

Cheese


Steps:

Step 1: I-heat ang left over adobo sa isang pan.

Step 2: I-spread ang butter sa dalawang slice ng tinapay

Step 3: Ilagay ang adobo sa ibabaw ng ng isang slice ng tinapay

Step 4: Mag-lagay din ng cheese sa ibabaw ng adobo at tinapay

Step 5: Takpan ang adobo at cheese gamit ang naiwang tinapay at

Step 6: Ibalik sa pan ang sandwich na nabuo at i-press hanggang both sides ng tinapay ay toasted at naka-pag na melt ang cheese.


Dahil sa flavors ng cheese at ng adobo, siguradong masarap parin ang baon niyo kahit mamaya pa siya kakainin!



2. Adobo Flakes with Sinangag and Egg


Photo taken from Jun Belen


Ang susunod na recipe ay gumagamit din ng leftovers para masulit ang kung anumang naiwan galing sa meryenda o hapunan!


Ingredients:

Leftover Adobo

Chopped Garlic

Cooking Oil

White Rice

Salt

Black Pepper Powder


Steps:

Step 1: I-shred o i-chop ang laman ng leftover adobo.

Step 2: Mag-lagay ng cooking oil sa isang pan at painitin over medium heat.

Step 3: Kapag mainit na ang cooking oil, ilagay at lutuin na ang shredded leftover adobo at chopped garlic.

Step 4: Kapag nagiging dry na ang shredded leftover adobo, i-add na ang white rice sa pan. I-mix hanggang nag-incorporate na ang ingredients.

Step 5: Lasahan ang niluto at add salt at black pepper powder to taste.


Pwedeng i-serve ang recipe na ito kasama ng itlog na lutong sunny side up para makapag-add ng flavor sa dish. Hindi na kailangang mag-alala sa presentation dahil scoop-and-go nalang sa baunan ang recipe na ito!



3. Sardines and Mushrooms


Photo taken from Mega Sardines


In a rush ka ba, Ka-Panda? Ang susunod na recipe ay quick at easy gawin, at gumagamit lang ng canned goods na makikita sa local groceries!


Ingredients:

Sardines in Tomato Sauce

Chopped Onion

Chopped Garlic

Mushrooms

Cooking Oil

Salt

Pepper


Steps:

Step 1: Mag-lagay ng cooking oil sa isang pan at painitin over low heat.

Step 2: I-saute ang chopped garlic at onion ng isang minuto.

Step 3: I-add ang mushrooms sa pan at i-saute ng 30 seconds

Step 4: I-add ang sardines in tomato sauce at i-mix ng 1 to 2 minutes.

Step 5: Lasahan ang niluto at mag-add ng salt and pepper to taste.


At derechong scoop and serve lang sa baunan, mga Ka-Panda! This dish is best served with white rice.



4. Tuna Sisig


Photo taken from Sarap Pinoy Recipes


Bilang mga Filipino, nagkakaroon tayo ng occasional cravings for sisig. Sa recipe na ito, makikita ang swak sa budget na tuna sisig na kayang-kaya lutuin ng kahit sino man!


Ingredients:

Tuna Flakes in Oil

Chopped Onions

Chopped Garlic

Chopped Green Chili

Eggs

Salt

Pepper


Steps:

Step 1: I-lagay ang tuna sa isang bowl at i-mash into smaller pieces.

Step 2: Mag-lagay ng cooking oil sa isang pan at painitin over medium heat.

Step 3: I-lagay ang chopped garlic at i-saute ng 30 seconds.

Step 4: I-lagay ang chopped onion at i-saute ulit ng 30 seconds.

Step 5: I-lagay ang tuna sa pan, i-season with salt and pepper, at i-saute ulit ng 30 seconds.

Step 6: I-add ang chopped green chili, at mag-add ng dalawang egg sa pan. I-mix ng maigi for 2 minutes.

Step 7: I-drain ang excess oil bago i-serve.


At satisfied na ang pinoy taste natin, mga Ka-Panda! Gamitin ang mga recipe na ito para sa masasarap at masustansyang baon para sa biyahe!


238 views

© Foodpanda 2020. All Rights Reserved