News & Stories

Search

Trick or Treatin' the Ka-Panda way!


Isang napaka-cute na young boy ang nagbihis bilang isang foodpanda rider para sa kanyang virtual halloween costume party! I-check out ang post ng Greyson's Dimsum and Noodles, here.


Photo from Greyson's Dimsum and Noodles Facebook Page


Caught on camera ang on-point na costume niya na may matching delivery bag at helmet pa! Siya ay nakita at ready to deliver outside Greyson’s Dimsum and Noodles, Quezon City. Binahagi ng kanyang mommy na avid fan talaga sila ng foodpanda at sa daming costume choices na binigay sa kanya, ang napili niya ay maging isang foodpanda rider dahil bilib raw siya sa mga Ka-Pandas.


Our little Ka-Panda with Ka-Panda Robert


Para mabuo ang kanyang rider experience, ang ating little Ka-Panda ay nagpapicture sa isang foodpanda rider na si Ka-Panda Robert na approved sa kanyang costume! Dahil napaka-creative ng napili niyang costume, siya ang nanalong best in costume sa kanilang virtual halloween party.


Patunay na ang mga Ka-Panda ay true inspiration at motivation sa mga nakakakita sa inyo on and off the road. I-share na ang inyong halloween stories, mga Ka-Panda. Ride safe!


618 views

© Foodpanda 2020. All Rights Reserved