News & Stories

Search

Umarangkada ang mga Gensan Ka-Pandas


Nagdala nanaman ng biyaya ang saya ang ating mga Ka-Panda from General Santos sa kanila 4th charity ride. Noong Sabado, September 12, ang ating mga Ka-Panda ay umikot sa General Santos para magbigay ng pagkain at tubig sa ating mga frontliners at ilang mga preso. Watch the video here.



Screenshots from the video of Marvin Rey Marmonejo


Mula sa mga militar at pulis, mga bantay sa mga checkpoints and COVID19 information areas, at pati na rin sa ilang preso sa mga police stations, naghatid ng good vibes at support ang ating mga Ka-Panda. Hindi alintana ang init at pagod ng biyahe para lang maihatid ang regalo sa kanilang kapwa.


Maraming nagalak sa gesture at impact ng mga Ka-Panda kaya’t umaapaw ang pasasalamat ng mga tao sa kanila. Ito ang iilan sa mga comments:



Tunay na hindi lang heroes ang mga Ka-Panda sa deliveries, always to the rescue rin sa mga taong nangangailangan at ready sumagot sa tawag ng panahon. Maraming salamat sa lahat ng nakilahok sa charity ride. Sana’y marami pa tayong matulungan at mapamahagian ng ating mga biyaya. Ride safe always, mga Ka-Panda!







148 views

© Foodpanda 2020. All Rights Reserved