News & Stories

Search

What are the Benefits of a Ka-Panda?

Updated: May 29



Photo by Riders Frontliners Spotted on Facebook


Sa makabagong panahon na ito, madaming opportunities ang available sa mga tao para maka-kita ng pera. Isa na dito ang pagiging rider sa mga delivery applications katulad ng foodpanda! Bilang freelancer, madaling isipin na ika’y nag-iisa sa iyong trabaho bilang rider, pero sa totoo lang, parang regular employee ka na din sa dami ng perks at benefits na nare-receive sa foodpanda! Ano nga ba ang mga benefits na ito? Basahin ang sumusunod para malaman.



1. Tire and Maintenance Perks



Para masigurado na safe ang biyahe ng mga Ka-Panda, may discounts sa Lubricants, Motor Oil, at Rider Accessories na available sa mga foodpanda riders galing sa RoadFit, MAG1, at PRO99!



Tire Safety Seminars


Available din sa mga foodpanda riders ang discounts para sa tire replacement from Dunlop! Higit pa sa discounts, may mga pasabog din si Dunlop katulad ng tire safety seminars para siguradong safe na safe ang mga Ka-Pandas. Marami pang mga talks tungkol sa road safety ang papalapit, kaya’t abangan ang mga social media accounts ng foodpanda Riders Community para sa mga updates sa susunod na schedules.



2. Fuel and Gasoline Perks


Higit pa sa maintenance ng motor at rider accessories, ang mga Ka-Pandas ay nakaka-enjoy din ng malaking discount sa kanilang gasolina. Dahil sa mga foodpanda partners katulad ng Petron, Staroil, Interland, at Seaoil, mayroong discount and mga foodpanda riders tuwing nagpapa-gasolina sila sa mga stations na ito, nationwide!


Foodpanda Petron Value Card


Sa Petron, pwedeng mag-avail ang mga Ka-Panda ng Foodpanda Petron Value Card na nakakasigurado ng minimum 2.2 pesos/ liter na discount sa gasolina. At sa bawat ikatlong pang-gas ng Ka-Panda, siya’y mayroong 2.4 pesos/ liter na discount, at 25 pesos kung birthday niya that day!


SeaOil VIP Club Card


Mayroon ding foodpanda card si SeaOil na ang SEAOIL VIP Club Card! Ang mga Ka-Panda na mag-aavail nito ay makaka-enjoy ng 4 peso rebate sa kada 100 pesos na ginagastos nila sa SeaOil gasoline stations, at discount na 5 pesos/ liter sa mga SeaOil lubricant products.


More Sulit Ka-Panda Deals


Ang Interland naman ay namimigay ng 3.50 pesos/ liter discount, kagaya ng StarOil na may 1 peso/ liter discount sa mga riders na magpapa-gas na naka foodpanda uniform!



3. Insurance Perks


At dahil sa Cebuana Luhillier at Manulife, Ka-Pandas can rest and ride easy sa kanilang mga pamigay na insurance programs!



Personal Accident Insurance Program ni Manulife


Thanks to Manulife, ang libo-libong mga Ka-Panda ay magkakaroon ng 90-day Personal Accident Insurance hanggang August 10, 2020. Mas madami pang programs at insurance packages ang parating from Manulife kaya't abangan ang ito sa mga sumusunod na buwan!



Cebuana Lhuillier's ProtectMax



Makaka-enjoy naman ang mga Ka-Panda ng insurance coverage na aabot sa 125,000 pesos from Cebuana Luhillier's ProtectMax! Panoorin ang video ni BearBro sa kung paano ito ma-aavail, at basahin ang mga details dito.



4. What’s Next for Ka-Pandas


Ano pa ba ang pwedeng maging benefits ng mga Ka-Panda? May mga possibleng perks tulad ng Motor Loans, Cash Loans, Mobile Loans, Load Discounts, Medical Assistance, atbp. na pwede maging benefits in the future. Tuloy pa rin ang pag-bigay ng foodpanda ng best experience para sa kanilang mga riders, so stick around para makita niyo ito in action!


On-going pa rin ang mga perks and benefits, mga Ka-Pandas! Tutukan ang mga social media accounts ng foodpanda riders community para malaman ang latest news tungkol sa mga benefits na siguradong sulit na sulit!


1,700 views

© Foodpanda 2020. All Rights Reserved