News & Stories

Search

Youtuber sa umaga, Ka-Panda rider sa gabi

If there’s a will, there’s a way.


Si Ka-Panda William Gile Jr. ay isang 20 year-old rising Youtuber na talaga namang consistent sa kanyang pag-upload ng content para sa kanyang mga subscribers and supporters.



Si Ka-Panda William sa behind the scenes ng 'Magniningning Mga Ka-Panda' music video


Ka-Panda William became part of the foodpanda family around November 2019. Naisipan niyang mag-sideline during sembreak dahil natuwa siya na hawak niya ang kaniyang oras, at hindi maaapektuhan ang kanyang pag-aaral ng kolehiyo. Nung una, weekends lang niya ito ginagawa, ngunit nung nagkaroon ng pandemya mas naging madali para sa kanya na i-manage ang kanyang time.


Ang kanyang Youtube channel naman ay sinimulan niya around May 2020. Nagkaroon siya ng time para pag-aralan ang paggawa ng videos, at pinag-isipan niyang mabuti kung passion ba niya talaga ito at kung kakayanin niyang ipagpatuloy ang paggawa ng content. It has been 8 months and his channel currently has 33.7k subscribers and counting!


Pero syempre, hindi niya pinababayaan ang kanyang pag-aaral. Sa umaga ay siyang karaniwang umaattend ng online classes, at tuwing siya ay free, nagshoshoot at nag-eedit naman siya ng content para sa kanyang channel. Minsan, tuwing nag-aantay ng bookings, nag-eedit din siya ng videos para hindi sayang ang oras.


Juggling things shouldn’t be hard if you really enjoy what you do, katulad na lamang ni Ka-Panda William na talaga namang maraming ganap sa buhay!


34 views0 comments

Recent Posts

See All

© Foodpanda 2020. All Rights Reserved