Rooster

Ang Rooster ay ang app na gagamitin para kumuha ng mga shifts. Mahahanap siya sa loob ng Roadrunner.

Alamin ang Rider ID

Bawat Foodpanda rider ay may sariling Rider ID. Nakikita ang Rider ID sa "My Profile". 

Magpalit ng Password

Basahin sa Account Security (pandariders.net/account-security) kung paano magbago ng password. 

Pagpili ng shifts o "Take Shift" 

Pumunta sa "Shifts" tab. Piliin ang Petsa/Araw. Lalabas ang mga shifts na pwede kunin. Nakalagay na dito ang lugar at oras ng shift. 

Piliin ang "Take shift" upang makuha. May lalabas na Take Shift pop-up. Piliin ang "Take"upang makumpirma.   

Lalabas ang mga shift para sa susunod ng linggo sa Miyerkules. May prioridad sa pagpipili ng shift ayon sa Batch niyo. Alamin ang oras na pwede ka pumili ng shifts sa pandariders.net/batch. 

Pwede rin mag-filter ng mga shift depende sa starting point o starting time na gusto niyong kunin. 

Makita ang sariling shifts o "View my Shifts"

Pumunta sa "My Shifts" tab. Doon mo makikita lahat ng shifts mo.   

Pag-alok ng Skedyul o “Offer Swap”

Pag hindi ka na pwede pumasok sa inyong shift, pwede ka mag-"offer swap" para makuha ng ibang rider ang inyong shift. 

Piliin ang "My Shifts" tab at pindutin ang "Offer Swap".  

Lalabas ang Offer shift for swap. Pindutin ang "Offer" upang makumpirma. Makikita ng mga ibang riders ang inyong shift at pwede nila kunin ito. Kapag may kumuha ng shift niyo, automatic inuupdate ng app. Makikita kung may kumuha na ng shift niyo sa "My Shifts" tab. 

Paalala: Pag walang kumuha sa shift mo at hindi ka papasok, bababa ang inyong performance score. Ang score mo ay ang base ng Batch mo.

 

Pag nagbago ang isip mo at pwede ka ng pumasok sa inoffer niyong shift, maaring pumunta sa Shifts tab at piliin ang "Cancel Swap". 

Lalabas ang Offer shift for swap. Pindutin ang "Offer" upang makumpirma. Makikita ng mga ibang riders ang inyong shift at pwede nila kunin ito. Kapag may kumuha ng shift niyo, automatic inuupdate ng app. Makikita kung may kumuha na ng shift niyo sa "My Shifts" tab. 

Pwede ka rin kumuha ng shifts na binibigay ng mga ibang rider. ​Sa Shifts tab mo makikita lahat ng shifts na nais ibigay ng mga ibang rider. Pindutin ang "Take swap" pag gusto mong kunin ang shift.  

Pindutin ang "Take"upang makumpirma at pupunta sa iyo ang shift.  

Paalala: Hindi pwedeng kumuha ng swap shift ang Batch 3 at Batch 4 sa Miyerkules at Huwebes.

 

Pwede pa ring bumalik ang shift na yun sa unang rider na kumuha ng shift. Tignan lamang kung nasa iyo pa rin ang shift bago pumasok.   

© Foodpanda 2020. All Rights Reserved