SOS Children's Village

Ano ang Feeding the Love Tank?

Ito ay ang partnership ng ating riders community sa SOS Children's Village para magshare ng ating resources. Lahat ng ating mga canceled orders ay ibibigay natin sa SOS Children's Village community para tapusin ang hunger ng bawat isa sa kanila.

Sa tuwing tayo ay mabibigyan o makakaencounter ng canceled orders, ibibigay natin ang mga pagkain sa kanila instead na i-dispose lang ang mga ito.

Paano ito?

Isusurrender natin ang mga canceled orders sa mga partner communities natin. Kalakip nito, ibibigay natin ang order code ng canceled order at irerecord ito ng SOS Children's Village representatives. Ang aming management ay nakamonitor at malalaman namin kung kayo ay nagsusurrender ng pagkain o hindi.

Oras ng Pagsurrender:

10:00 AM to 5:00 PM daily

Kung alcoholic bevarages naman ang canceled orders gaya ng alak, automatic na disposed ito ano mang oras at hindi na kailangang i-surrender sa SOS Children's Village stations.

Sa ngayon, iilan palang ang station na available. Hinihikayat na lahat ng karatig na city at zone ay makiisa sa project na ito. Sa oras na magbukas ang lahat ng stations, magiging mahigpit na ang management sa pagmomonitor at pagsasagawa ng project na ito.

Saan ko isu-surrender ang canceled orders ko?

I-tap ang button sa baba para malaman ang mga stations.

© Foodpanda 2020. All Rights Reserved